Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap"

in #wordchallenge6 years ago



Pangarap.jpg

PANGARAP



Bawat isa sa atin ay may pangarap
Mga hinahangad na kay sarap-sarap
Isipin man lang ang mga ito ay nagbibigay ngiti
At sa puso natin ay nagpapakiliti

Minsan, inaakala natin na hanggang sa pangarap lang
Ang ilang bagay na ating inaasam-asam
Ngunit kaibigan, kung ikaw ay magsisikap
Pangarap mo sa tuwina'y di mananatili sa ulap

Sa buhay, tayo ay may iba't-ibang pananaw
Minsan masaya, minsan nama ay mapanglaw
Subalit, dapat tayong magpatuloy
Sa agos ng buhay, tayo ay dumaloy

Mga pangarap natin ay gawin nating inspirasyon
Upang tayo ay magwagi sa anumang sitwasyon
Oo, inaamin kong ito'y hindi magiging madali
Pero magsikap ka... maaabot mo rin ang iyong minimithi.


@tegoshei





Ito ay ang aking "entry" para sa Word Poetry Challenge #10 : "Pangarap" | Tagalog Edition ni @jassennessaj. Inaanyayahan ko ang aking mga kapwa Pilipino na lumahok at gumawa ng orihinal na tula gamit ang ating sariling wika. Maraming salamat po! :)