Word Poetry Challenge #12 : Kalayaan

in #wordchallenge6 years ago

959BF26A-254C-46D9-8A7D-9376FC01D4B2.jpeg

(Original Pic. Taken last August 8, 2018 @ 3:00pm by Iphone.)

Magandang gabi mga makatang pinoy! lalo na kay Ginoong @jassennessaj na siyang nagpaunlak ng paligsahang ito. Ito po ang aking entry sa Word Poetry Challenge na may temang KALAYAAN. Sana po ay magustuhan niyo. Enjoy po at God bless!

(Una sa lahat nais kung magbigay pugay sa lahat ng taong sinaktan ngunit pilit pa ding bumabangon. Huwag sana kayo mawalan ng pag-asa sapagkat patuloy niyo pong tatanawin na ang buhay ay sadyang napakaganda.)

KALAYAAN

Iyong binigay at ika’y pinangakuan
ng pagmamahal na sapat
at walang kulang
“Ako’y sayo at ika’y akin”

Mga salitang binigkas
sa unang pagkikita
Ika’y naniwala ng buo at tapat
Inangkin ito ng walang duda

Ngunit panahon ay lumipas
Ikaw at ako—nagbago
Hindi ko alam
kung bakit at papano

Ang matamis na simula
ay hindi inalagaan
Nasaan na ang dati?
Nasaan na tayo?

Hindi man masagot
kung saan nagkulang
Ang mahalaga’y
iyong pinaglaban

Luha man natin
ay kapwa umaagos
Sapagkat storya nati’y
dito nagtapos.

@tmsz.png

For more details of the contest, click the link:

Word Poetry Challenge #12 : "Kalayaan" | Tagalog Edition