MGA PAYO SA PAGSUSULAT PARA SA MGA BAGONG STEEMIANS

in #writing6 years ago (edited)

Gaya po ng aking nakagawian, lahat ng isinulat kong artikulo dito sa steemit ay aking ililiwat sa tagalog, kung ito ay orihinal na sinulat sa wikang ingles, at vice versa. Nais ko sana na gawin din ito sa kung ano pa mang wikang alam ko, pero marahil po ay sa ibang pagkakataon na, dahil ito ay kakain ng mahabang panahon.

Narito po ang link sa original na artikulo.

Humihingi din po ako ng paumanhin sa pinagkunan ko ng mga larawan sa unang pahayag ko. Nakalimutan ko pong ilagay ang address ng aking pinagkuhanan. Sisikapin ko pong huwag na itong maulit.


Dito sa steemit, maituturing na lahat tayo ay mga blogger. Maaaring mas magaling magsulat ang ilan kaysa iba, ngunit di maitatangging ito na ang ating trabaho. Dahil dito, ako po ay naniniwalang kailangan nating gawin ang pinakamagandang magagawa natin alang alang sa ating mga tagabasa at tagasunod, at gayon din ay ating magantihan ang pagkakataong ibinigay sa atin ng site na ito upang maipahayag ang ating sarili, at mabiyayaan habang ginagawa ito.

Hindi po ito ang unang pagkakataon kong gumawa ng isang blog. Sumubok na akong magsulat noon sa pamamagitan ng WordPress at Blogger. Nangyari iyon habang ako ay nasa Ghana, Africa bilang missionero. Nahimok ako na isulat ang aking naging mga karanasan doon upang maibahagi ang mga kakaiba at katangi-tanging mga kbagay na aking nakita. Saka ko na lang nalaman na maaari ka palang kumita sa pamamagitan ng AdSense, kung kaya't nagapply ako. Sa kasamaang palad, hindi tinanggap ng Google ang aking kahilingan, marahil dahil sa kanilang mga striktong alituntuning pinananatili, ngunit hindi ko na inalam pa ang mga detalye.

DQmfMkGyn5hiFihcT8AZMkSkAWPFHfjcYgmFPbqFmoLYLLX.png

Ang una kong blog ay pinamagatang Gold Coast Chronicles, halaw sa dating pangalan ng bansang Ghana na ibinigay ng mga Ingles na sumakop sa kanila.

DQmbikdAUA9CFVLhheH7pPBWqYUodQL1VohJK4QioeQwecW_1680x8400.png

Nagawa kong sumulat ng 12 articulo, ang unang 8 ay naisulat ko na halos sunud sunod. Ngunit gaya ng aking nasabi sa aking #introduceyourself na post, nawalan ako ng inspirasyon, dahil na din siguro sa kabiguan ng aking application sa AdSense. Nakapagdadagdag inspiration din kasi na ikaw ay mabigyang pabuya sa iyong mga paggawa. Pero hindi na ito ang situasyon natin sa steemit. Lahat tayo ay patas na binibigyan ng pagkakataong linangin ang ating mga talento. At depende na sa iyo, kung hanggang saan ang maaabot ng iyong tagumpay.

Dahil dito, gusto ko sanang magbahagi ng ilang mga payo, lalo na para sa mga ngayon pa lang nagsisimulang sumulat ng blog. Para sa akin, ang mga bagay na ito ay makakatulong ng malaki upang simulan ang iyong pagtahak sa mundo ng pagsusulat. Hindi ko sinasabing ako ay isa ng dalubhasa, pero sa tingin ko ay makakatulong ito ng malaki sa mga bagong manunulat dito sa Steemit. Kung hindi po kayo sang-ayon, maaari po kayong mag-comment sa ibaba. Bukas naman po ako sa anomang comment.

Simulan na po natin.

Dami bago ang buti
Magsulat hanggat makakaya mo. Huwag mo munang intindihin ang kalidad ng iyong ginawa. Isulat mo ang kahit anong maisip mo. Kalaunan ay makikita mo ang landas na tinatahak ng iyong blog. Bukod pa dito, ang panahong iyong gugugulin sa paggawa ng blog ay tiyak na makakatulong na mapaganda ang antas ng iyong gawa sa paglipas ng panahon.

blogging-2620148_960_720.jpg
PINAGMULAN NG LARAWAN

Maglaan ng panahon sa pagsusulat
Ayusin ang iyong talatakdaan sa isang paraan kung saan ikaw ay magkakaroon ng panahon na makapagsulat ng isang artikulo kada isa o dalawang araw, kung maaari. Magingat ng mga talaan nga mga paksang nais mong isulat, upang hindi mo makalimutan. Ang mga application gaya ng Simplenote ay kapaki-pakinabang sa paggawa nito dahil pinagtutugma nito ang lahat ng iyong mga tala sa lahat ng iyong mga aparato upang huwag mo itong maiwala. Ang paggawa mo nito ay magbibigay sayo ng sapat na mga materyal na mailalabas sa loob ng 7 araw bago ang payout ng una mong artikulo, na nagbibigay katiyakan sa tuluy-tuloy na kita.

coffee-2608864_960_720.jpg
PINAGMULAN NG LARAWAN

Gumamit ng wikang komportable sa iyo
Bagamat ang higit na bahagi ng mga artikulo ay isinusulat sa wikang ingles (sa palagay ko), maaari din namang gumamit ng ibang wika upang ipahayag ang iyong sarili. Ako mismo ay nakapaglabas na ng isang artikulo sa aking katutubong wika, ang tagalog. Huwag kang mahiya na gamiting ang iyong taal na wika sa pagsusulat at mamangha ka sa mga positibong tugon na iyong matatanggap sa paggamit ng wikang sariling iyo.

duterte-2_15.jpg
PINAGMULAN NG LARAWAN

Mamatnugot bago maglathala
Kung ikaw ay nagsusulat sa Ingles(o sa kahit anong wika), parating suriin ang iyong sa gawa sa anomang kamalian bago ilabas ito. Maaaring ang iba sa atin ay wala ng panahon para pag-aralan ang iba't ibang alituntunin ng Balarila ng Ingles o iba pang wika, pero kinakailangan ito upang maganda ang kalabasan ng ating gawa, sa aking palagay. Sa kabutihang palad, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, ay may mga application na na maaring gumawa nito para sa iyo. Nandyan ang mga apps gaya ng Grammarly at Ginger na maaaring maghanap ng mga mali sa baybay at balarila (sa may bayad na opsyon o premium) para makatulong sa pagpapakinis ng iyong artikulo.

aid3204-v4-728px-Copyedit-and-Proofread-Written-Work-Step-9.jpg
PINAGMULAN NG LARAWAN

Palawakin ang iyong balarila
Subukang payamanin ang iyong talasalitaan para maiwasang maging paulit ulit at malinang ang kalidad ng iyong pagsusulat. Alamin ang mga kasingkahulugan ng mga salitang madalas mong gamitin, o kaya ay maghanap man lang sana ng mga salitang maaaring magamit kahalili nito upang maiwasan ang paulit-ulit ng iyong mga blogs.

Kaugnay ng Steemit, aralin kung papaano masusulit ang potential na kumita ng iyong mga blogs
Magbasang mabuti ng mga blogs at artikulos ng mga mas batikang Steemians kaysa iyo, upang malaman ang mga "diskarte", ika nga. Hindi nakakatulong ang magdunung-dunungan at tiyak na malaki ang maitutulong ng pagtatanong at pagbabasa ng mga post ng mga Steemians naabot na ang kanilang mga layunin.

Gaya ng sinasabi ng kawikaang tagalog, "Ang mapagtanong, daig ang taong marunong."

Nawa'y may natutunan kayo sa artikulong ito. Kung may anomang bagay po kayong maidadagdag o anomang puna, huwag pong mahiyang mag-komento sa ibaba. Salamat po sa pagbabasa.

Paalam! Hanggang sa muli!
IMG_3322.jpg

Sort:  

Sarap naman magbasa sa sariling wika. Nawa ay marami ka pang mapagkunan ng mga ideya at wag magsawang gumawa ng mga artikulo na tulad nito. Mabuhay ka kapatid.

Salamat po sa suporta! :) Mabuhay din po kayo.

Wow, ang lalim nang mga salitang ginamit mo dito Sir. Pero salamat sa mga payo mo, makakatulong talaga ito sa mga bagong steemians na tulad ko.

Hehe. Di naman po. Uncommon lang po siguro na gamitin ngayon.

Nasasanay ka nang gumagay-on-gay-on... baka mamaya’y kakaang-kaang ka ha
LOL

Ala e, gumagarne na rin, eh! Sadyang gay-on! 😬

galing naman po mag Filipino.
ganda po nang post ninyo. maraming salamat po.

Salamat sa mga paalala mo! Nawa ikaw ay magtagumpay dito sa steem ^_^

Iyan din po ang masasabi ko. Pagpalain po kayo ng Dios.

Salamat po. :) Hangad ko din po ang inyong tagumpay. :) Steem On!!!

Maraming salamat po! Nawa'y gayon din po kayo. :)

wow... interesting topic..:)

You got upvoted from @adriatik bot! Thank you to you for using our service. We really hope this will hope to promote your quality content!

You got a 57.77% upvote from @upyou courtesy of @irmao.dan!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66222.23
ETH 3563.16
USDT 1.00
SBD 3.10